top of page
Search

Tila Tala



Akda ni Ginoong Rabbanah Giu Villanueva

I.


Nagsimula sa batian, kamustahan

Tila kakaiba ang nararamdaman

Sa tuwing ika'y aking nasisilayan,

Hindi ka maalis sa Puso't Isipan


II.


Pag-ibig sayo'y Bituin kung ituring

Langit sa itaas ito'y nagniningning

Pag-ibig na ito, sana ay tantuin

Labis kong dalangin, ako'y 'yong mahalin


III.


Ang aking pusong walang tigil sa pintig

Ang Inakalang maswerte sa Daigdig

Mapaglarong salitang aking Narinig,

Nagpapasalamat sa iyong Pag-ibig


IV.


Kung tumingala ka sa gabing payapa

At sa langit nama'y may ulilang Tala

Kung masilayan siya'y, malungkot ang mukha

Liwanag niya'y unti-unting nawawala


 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

banana gio

  • Facebook

©2021 by Sky Geo. Proudly created with Wix.com

bottom of page